Hotel Manager at isang Negosyante, Arestado sa kasong Estafa

188

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang dalawang katao sa magkahwalay na operasyon ng pulisya matapos isilbi ng mga awtoridad ang kanilang warrant of arrest.

Kinilala ang mg akusado na sina Amchie Deang, 39 anyos, may asawa, isang hotel manager at residente ng Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.


Inaresto si Deang sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang galang hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Br. 22 Cabagan Isabela para sa kasong Estafa habang inirekomenda ang piyansa nito na nagkakahalaga ng P26,000.00.

Maliban dito, dinakip din si Joseph Cabuenas, 54 anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Brgy. Magsaysay, Alicia, Isabela.

Hinuli si Cabuenas sa matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Nicasio Bautista ng RTC Br. 24 Echague Isabela ang mandamiento de aresto nito para sa kasong Estafa

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P40,000.00

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng pulisya ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments