Hotel na inireklamo ng 2 SEA Games football teams, nagpaliwanag

Nagpaliwanag ang Century Park Hotel Manila kaugnay ng aberyang naranasan ng football teams ng Cambodia at Thailand.

Sa Facebook post, sinabi ng pamunuan ng hotel na lumagda sila ng kasunduan sa pagitan ng organizers kabilang ang standard check-in time na alas dos ng hapon.

Bagama’t alam nilang mapapaaga ng dating ang Cambodian team, hindi nila agad ito nabigyan ng accommodation dahil puno pa ang mga kwarto.


Inalok din daw nila sa mga atleta ang function rooms bilang temporary holding area gayundin ng mga upuan pero mas pinili raw ng mga ito na lumapag na lang sa sahig para mas makapagpahinga.

Samantala, inireklamo naman ng Thailand ang paulit-ulit na menu na ayon sa pamunuan ng hotel ay bahagi rin ng napagkasunduan nila ng organizers.

Personal namang nag-sorry sa mga atleta si PHISGOC Chair at House Speaker Alan Peter Cayetano maging ang Malacañang.

Facebook Comments