Hotel room na tinuluyan ni dating DPWH Undersecretary Cabral, hinalughog para sa karagdagang imbestigasyon

Hinalughog na ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kwartong tinuluyan ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.

Ito ay matapos mag-isyu ng search warrant bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkasawi ng dating opisyal.

Layon nitong makakuha ng mga gamit na posibleng magsilbing ebidensiya at magkaroon ng mas malinaw na timeline at pangyayari bago ang insidente.

Pumanaw si Cabral noong December 19 makaraang mahulog sa bangin sa kahabaan ng Kennon Road sa Tuba, Benguet.

Samantala, inakusahan naman si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng umano’y pangha-harass kay Cabral.

Nangyari umano ang insdente sa loob ng kaiyang opisina kung saan biglaan daw pumasok ang kongresista sa opisna ni Cabral noong gabi bago ang isang congressional hearing at sapilitang inagaw ang mga dokumento mula sa kanyang mga kamay.

Wala pa namang pahayag kaugnay dito ang kongresista.

Si Cabral ay isa sa mga opisyal ng DPWH na isinasangkot sa flood control issue at susi umano para matukoy ang mga malalaking taong nasa likod ng mga anomalya.

Facebook Comments