Hotels sa ilalim ng GCQ at MGCQ, maaari nang mag-operate ng full capacity ayon sa DOT

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na maaari nang mag-operate ng full capacity ang mga hotel sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, layon nito na maka-recover ang industriya ng turismo sa bansa.

Nakatakda namang magpalabas ang DOT ng guidelines para sa expanded operational capacity ng mga hotel.


Sa ngayon, ilang hotel sa bansa ang ginagamit bilang temporary quarantine facilities, habang ang iba naman ay pinapayagan nang mag-operate at tumanggap ng staycation bookings.

Ilang lugar sa bansa ang nasa ilalim ngayon ng GCQ at MGCQ, maliban lamang sa mga lugar na nasa ilalim localized lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Facebook Comments