Hotels sa Pasay City, pinayagang magbukas para sa OFWs

Pinahintulutan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na magbukas ang hotels at iba pang establishments sa Pasay na nagbibigay ng accommodations.

Gayunman, ito ay para lamang sa mga dumadating at papa-alis na OFWs na apektado ng Luzon lockdown.

Partikular na hinanapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng matutuluyan ang Pinoy seafarers na dadating ngayong araw sa bansa at hindi agad-agad makakauwi sa kanilang mga pamilya at ang OFWs na may flight patungo sa ibayong-dagat.


Pina-alalahanan naman ni Mayor Rubiano ang management ng mga magbubukas na hotels na panatilihin ang social distancing.

Una nang umapela si OWWA Administration Leo Hans Cacdac sa management ng mga hotel na patuluyin ang OFWs na apektado ng lockdown at ang gastusin ay sasaluhin ng ahensya.

Facebook Comments