Hotline 1348, pinagana ng DMW para tumugon sa mga pangangailangan ng mga kaanak ng mga OFW na apektado ng lindol sa Türkiye, Syria at Lebanon

Tiniyak ng DMW na hindi nila pababayaan ang mga OFW na apektado ng malakas na lindol sa Türkiye, Syria at Lebanon.

Ayon kay DMW Sec. Susan Ople, inatasan nya si Undersecretary Hans Leo Cacdac na makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng lindol.

Paliwanag ni Ople, pinagana na ng DMW ang Hotline 1348 bilang handling center sa mga pamilya ng mga OFW na may kamag-anak sa mga bansang niyanig ng malakas na lindol.


Gagawin umano nila itong 24/7 hotline para agad na nakaresponde at mapawi ang pangamba ng mga pamilya ng mga OFW.

Dagdag pa ni Ople, magpapadala sila ng kinatawan sa Turkey para malaman ang sitwasyon doon.

Base sa tala ng DMW, tinatayang 193 na OFW ang nasa apektadong probinsya sa Turkey.

113 dito ay nasa Hatay, 51 sa Adana at 29 sa Gaziantep

Facebook Comments