Hotline Ng Counter Intelligence Task Force Laban Sa Mga Police Scalawags – Inilunsad Ng Pnp, Mahigit 300 Pulis Personnel

108

MANILA – Pormal nang inilunsad ng Philippine National Police ang hotline ng counter intelligence task force laban sa mga police scalawags.Sa press conference sa camp crame – inanunsyon ni PNP Chief Dir. Gen. Ronal Dela Rosa ang counter intelligence task force hotline na“0998-9702286”.Ayon kay Dela Rosa – ang hotline ang magiging sumbungan ng taong bayan laban sa mga tiwaling pulis na sangkot sa ibat ibang iligal na aktibidad.Pero, palilinaw ng Bato – dadaan sa validation ang sumbong sa CITF hotline upang hindi madamay ang mga matitinong pulis.Kasabay nito, sinabi ni Dela Rosa na aabot 387 NCRPO personnel na isinailalim sa disciplinary training ang direktang pinapa-report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang.Umapela rin si dela rosa sa publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya hinggil sa paglilinis sa kanilang hanay.

Facebook Comments