Hotline ng DepEd, nakatanggap na ng halos 20 na ulat ng pang-aabuso sa mga paaralan sa unang linggo ng klase

Nakatanggap na ng halos 20 na ulat ng pang-aabuso sa mga paaralan ang Department of Education (DepEd) sa unang linggo ng klase.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, nakikipag-ugnayan na sila sa ibang mga opisyal ng ahensya para sa malalimang imbestigasyon sa mga natanggap na ulat.

Matatandaan na isang linggo na ang nakakaraan ay naglunsad ang Kagawaran ng hotline para sa mga sumbong mula sa mga estudyante at magulang.


Ilan sa mga iniulat na uri ng pang-aabuso ay ang sexual abuse, verbal abuse, at physical abuse.

Matatandaan na kamakailan lamang ay napaulat na pitong guro sa Bacoor, Cavite ang inireklamo ng sexual abuse sa kanilang mga estudyante

Facebook Comments