Hotline Numbers na Maaaring Tawagan ng mga Uuwi sa Isabela, Ibinahagi!

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela para sa mga nais nang umuwi sa Lalawigan mula sa Metro Manila o sa mga malalaking syudad bilang bahagi ng “Balik Probinsya” program ng pamahalaan.

Sa ibinahaging impormasyon ng PIA Region 02, sinabi ni Isabela Governor Rodito Albano III na ang mga babalik na ng probinsya ay dapat handang sumailalim sa 14-days hanggang 28-days na mandatory quarantine at dipende na rin sa mga alituntunin ng kani-kanilang munisipalidad.

Para sa mga taga District 1 ng Isabela o mga residente ng City of Ilagan, Cabagan, Delfin Albano, Divilacan, Maconacon, Tumauini, San Pablo, Sta. Maria at Sto. Tomas na na-stranded dahil sa ECQ ay maaaring tumawag sa numerong 0977-617-9806.


Sa mga nakatira sa District 2 o mula sa Benito Soliven, Naguillian, Reina Mercedes, San Mariano, Gamu at Palanan ay tawagan lamang ang numerong 0977-617-9788.

Sa District 3 o mula Alicia, Cabatuan, San Mateo, Ramon at Angadanan, ay sa numerong 0977-617-9798, sa District 4 o mula Santiago City, Cordon, San Agustin, Jones at Dinapigue, ay maaaring tumawag sa numerong 0977-617-9757.

Sa District 5 o mga residente ng Aurora, Burgos, Roxas, Mallig, Quezon, Quirino, San Manuel at Luna, ay tumawag sa numerong 0977-617-9761 habang ang mga Isabelino ng District 6 o taga Cauayan City, Echague, San Guillermo at San Isidro, na nais bumalik ng probinsya ay tumawag naman sa numerong 0977-617-9656.

Hinihingi naman ng Gobernador ang pang-unawa ng bawat isa sa naturang programa at tiniyak naman na maiuuwi ng maayos ang mga gustong bumalik sa Isabela.

Facebook Comments