Hotline para sa mga distressed OFWs, inilunsad ng OWWA

Inilunsad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang isang hotline number para sa mga distressed Overseas Filipino Worker (OFW).

Ayon sa OWWA, layon nitong makapag-asiste sa mga nanganganib na OFW sa pinakamabilis na paraan.

Magiging bukas ang hotline 1348 para sa mga OFW 24 oras araw-araw.


Sa mga tawag mula sa lahat ng Metro Manila, maaaring i-dial ang (02) 1348, sa international calls, (0632) 1348.

Facebook Comments