Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagtanggap ng mga tawag sa telepono upang tumulong sa mga tao na nais ng umiwas sa bisyo tulad ng alak at sigarilyo.
Ito ay upang direktang makapagbigay ng gabay sa kalusugan ang DOH anumang oras.
Ayon sa ahensya, walang maibibigay na magandang dulot ang nasabing mga bisyo kundi pagkasira ng kalusugan.
Kabilang sa mga sakit na dala ng alak at sigarilyo ay ang hypertension, liver disease, digestive problems, road problems at tumataas na tiyansa na gumamit ng iligal na droga.
Dagdag pa ng DOH, wala pang tao ang nanalo dahil sa paggamit ng mga nasabing bisyo, kung kaya’t maaari silang tumawag sa 1550 para DOH Substance Abuse Helpline o sa 1558 para sa DOH quit line.
Facebook Comments