Hotshots, target ang ikatlong panalo kontra Beermen

Target ngayon ng Magnolia Hotshots ang kanilang ikatlong panalo kontra San Miguel Beermen sa kanilang best of seven games ng PBA Philippine Cup Finals.

Ayon kay Hotshots head coach Chito Victolero, bagaman hawak nila ang 2-1 record hindi sila pwedeng magpapakampante.

Aniya, hanggang hindi naitatala ng Magnolia ang ika-apat na panalo ay hindi pa sila dapat magdiwang.


Maghaharap ang Hotshots at Beermen mamayang alas-7 ng gabi sa game four ng 2019 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments