Hotshots, wagi kontra Beermen; 99-94

Pinahiya ng Magnolia Hotshots ang defending champion na San Miguel Beermen sa score na  99-94 sa game 1 ng 2019 PBA Philippine Cup Best-of-Seven series.

Dahil sa panalo, hawak na ngayon ng Hotshots ang 1-0 lead.

Bumida sa Hotshot si Ian Sangalang na nakapagtala ng 17 puntos, 12 rebounds at tatlong assists.


Mayroong namang 18 points, 6 na rebounds at 5 assists si Paul Lee.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa game 2 sa Biyernes.

Facebook Comments