Manila, Philippines – Malugod na tinanggap ng Department of Tourism (DOT) ang citation mula sa forbes.com kung saan itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa hottest spots in Asia ngayong taon.
Bukod sa Pilipinas, kabilang din ang mga bansang Japan, Malaysia, Indonesia at South Korea sa mga bansang patok na pinapasyalan ng mga turista.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo, patunay lamang ito na ang Pilipinas ay isang ligatas at masayang destinasyon para sa mga turista.
Air and sea connectivity at infrastructure development ang mga dahilan kung bakit interesadong pumunta ang mga turista sa bansa.
Inihalimbawa ang pagsasa-ayos at pagpapaganda ng mga paliparan at sea ports sa bansa maging ang pagbubukas ng mga bagong flights.
Sa huling datos ng DOT, aabot sa 1.4 million international visitors ang dumating sa Pilipinas mula Enero at Pebrero, mas mataas ng 16.15% kumpara sa kaparehas na panahon noong 2017.