House Appropriations Committee, tiniyak ang lubos na pakikipagtulungan sa pag-review ng Malakanyang sa 2025 national budget

Nakahanda at tiyak na makikipagtulungan ng lubos ang House Appropriations Committee sa gagawing pag-review ng Malakanyang sa naipasa ng Kongreso na General Appropriations Bill (GAB) o Pambansang Budget sa 2025.

Inihayag ito ng chairman ng komite na si Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co makaraang maudlot ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa 2025 national budget na unang itinakda ngayong araw.

Para kay Co, ang desisyon ni Pangulong Marcos na iurong ang paglagda nya sa 2025 GAB ay patunay ng kanyang dedikasyon sa transparency and accountability.


Ikinalugod ni Co ang hangarin ni PBBM na siguraduhin na ang pambansang pondo ay umaayon sa mga dapat prayoridad para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Dagdag pa ni Representative Co, ang hakbang ng pangulo ay patunay rin na malakas ang demokrasya sa bansa at epektibong naipatutupad ang checks and balances sa gobyerno.

Facebook Comments