House Appropriations Committee, umapela sa mga kongresista na makiisa sa masusing pagtalakay sa 2025 proposed national budget

HIniling ni House Appropriations Committee Chairman and AKO Bicol Partylist Representative Elzaldy Co sa mga kapwa mambabatas na sundin ang prinsipyo ng transparency, accountability, at fiscal responsibility sa pagtalakay sa P6.352 trillion na proposed 2025 national budget.

Diin ni Co, napakahalagang suriin ang bawat alokasyon nang maingat upang matiyak ang pinaka-epektibong paggamit ng ating limitadong resources.

Bunsod nito ay tiniyak ni Congressman Co na isasaalang-alang ng Kongreso ang ilang pangunahing elemento sa pagtalakay sa budget.


Kabilang dito ang pagkakaroon ng sapat na fiscal resources, kahandaan ng mga programa at proyekto para sa pagpapatupad, kakayahan ng mga ahensya sa wastong paggamit ng pondo, at pagkakahanay sa mga prayoridad ng paggasta.

Ayon kay Co, bawat piso ay dapat mailaan sa mga inisyatiba na mag-aangat sa buhay ng ating mga kapwa Pilipino, magpapabuti sa ating imprastruktura, magpapalakas sa ating sistema ng edukasyon at kalusugan, at magpapatatag sa kinabukasan ng ating bansa.

Facebook Comments