HOUSE BILL 5699 | Mga kongresista, pwede nang mag-kasal

Maaari nang magsagawa ng seremonya sa kasal ang mga kongresista sa oras na maisabatas ang House Bill 5699.

Isinalang na sa deliberasyon ng House Committee on Revision of Laws ang panukala na naglalayong amyendahan ang Family Code para maisama ang mga kongresista pati na ang mga gobernador na listahan ng mga pwedeng mag-authorize o mag-officiate ng kasal.

Nakasaad sa panukala na isama ang mga kongresista at mga gobernador sa pagpipilian ng magkakasal upang may choice ang mag-asawa o mag-partner kanino magpapakasal.


Bukod dito, dumarami na rin ang common law relationships, live-in o nagsasama ng hindi kasal.

Sa ngayon ay tanging ang mga Alkalde, mga myembro ng Hudikatura, pari o rabbi ang pinapayagan lamang magbasbas ng kasal.

Sa ilang pagkakataon, nabibigyan din ng otorisasyon ang mga kapitan ng barko at eroplano, consul, vice consul at military commanders na magkasal.

Nilinaw naman sa panukala na limitado lamang sa mga district Congressmen ang pwedeng magkasal at hindi kasama dito ang mga Partylist Representatives.

Facebook Comments