HOUSE BILL 6259 | Mga mining company, papakuhain na ng prangkisa sa Kamara

Manila, Philippines – Mapipilitan na ang mga mining company na kumuha ng prangkisa sa Kongreso matapos na makalusot sa House Committee on Legislative Franchise at Committee on Natural Resources ang House Bill 6259.

Inaamyendahan ng panukala ang Philippine Mining Act of 1995 na layong suriing mabuti ang mga minahan at tanging papayagan lamang na makapag-operate ay ang mga responsableng mining operators.

Sa oras na maging ganap na batas ang panukala, gagawing pre-requisite ang pagkuha ng legislative franchise ng mga private contractors sa Kongreso bago payagan ang mga ito na makapag-apply ng large-scale quarrying permit o exploration permit.


Bibigyan naman ng panahon ang mga existing contract holders na mag-secure ng kanilang prangkisa sa Kongreso sa loob ng dalawang taon.

Mahigpit din na ipagbabawal ang anumang mining activities sa mga critical watersheds.

Magbibigay din ng fiscal at non-fiscal incentives para sa mga domestic mineral processing private contractors habang magpapataw din ng 20% export tax sa hanggang 60% export tax sa mga iluluwas na domestic raw ore upang mabigyan ng benepisyo ang mga lugar kung saan manggagaling ang mga minerals.

Obligado din sa ilalim ng panukala ang mga contractors na i-rehabilitate ang mga mining areas.

Facebook Comments