House Bill 7884 o pagbibigay ng Anti-Red Tape emergency powers sa Pangulo tuwing may national emergency, aprubado na sa sa ikatlo at huling pagbasa

Bago ang recess ng Kamara ay nakalusot na rin sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7884 na magbibigay ng emergency powers sa Pangulo para labanan ang red-tape.

Ngayong gabi lamang inihabol sa Mababang Kapulungan ang sertipikasyon mula sa Palasyo para ihabol ang pagpapatibay sa nasabing panukala.

Sa botong 267 na pagsang-ayon at 6 na pagtutol ay nakalusot ang panukala na nagbibigay ng otoridad sa Pangulo na paikliin ang oras o araw ng pagproseso o kaya ay suspendihin ang mga requirements para sa national and local permits, licenses at certifications tuwing may national emergency tulad na lamang ng COVID-19 pandemic.


Sakop ng panukala ang lahat ng ahensya sa Ehekutibo, kabilang na ang departments, bureaus, offices, commissions, boards, councils, government instrumentalities, at government owned and controlled corporations.

Mayroon namang probisyon ang panukala na nagtitiyak na hindi makompromiso ang pagproseso naman sa mga dokumento na may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan tulad na lamang ng safeguard sa protected areas, buffer zones at environmentally critical areas.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihin o alisin sa pwesto ang isang government official o employee na lalabag sa oras na ito ay maisabatas.

Facebook Comments