HOUSE BILL 8440 | Pagbabawal sa child marriage at forced marriage, ipinanawagan sa Kamara

Manila, Philippines – Hinimok ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na makipagtulungan at suportahan ang House Bill 8440 o ang tuluyang pagbabawal sa ‘child marriages’ at ‘forced marriages’.

Nanawagan si Herrera-Dy sa NCMF at NCIP na hikayatin ang mga imams at religious leaders ng mga IPs na baguhin ang mga ganitong marriage practices.

Ang panawagan na ito ng kongresista ay kasunod na rin ng paglobo ng bilang ng mga child marriages sa buong mundo.


Batay sa State of the World’s Population Report ng UNFPA noong 2016, aaboot sa 47,000 na mga babae ang ipinakasal na wala pa sa edad na 18.

Sa Pilipinas, isa sa bawat apat na babae ang ikinakasal na wala pa sa edad na 18 o 15% ng mga babaeng nasa edad 20 hanggang 24 na taong gulang ang ipinakasal na wala pa sa hustong gulang.

Sa ilalim ng panukala, mahaharap sa pagkansela ng lisensya, multa at pagkakakulong ang mga solemnizing officer na papayag na magkasal sa bata habang kaso ng paglabag sa RA7610, pag-alis ng kustodiya sa bata at pagkakabilanggo naman sa mga magulang na pipilit na ipagkasundo at ipakasal ang mga menor de edad na anak at pagkakakulong naman ng hanggang 12 taon sa mga matatanda na magpapakasal sa bata.

Facebook Comments