Hinihintay na lamang na umusad din sa Senado ang bersyon ng panukala na nagtatakda ng minimum na distansya ng mga sasakyan kapag nag-o-overtake sa bisikleta o motorsiklo na nasa kalye.
Naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8911 o Minimum Overtaking of Cyclists Act na umoobliga sa mga motorista na panatilihin ang distansya na isa at kalahating metro kapag nag-o-overtake sa mga siklista o motor rider.
Layunin ng panukala na maging ligtas ang lansangan para sa mga siklista, motor rider at pedestrian at magkaroon ng mahigpit na pagpapatupad ng batas at disiplina sa lahat ng road users.
Sa ganitong paraan din ay makakabawas ito sa mga aksidente sa lansangan.
Makakahikayat din ito sa mga Pilipino na magbisikleta na lamang para sa ikagaganda na rin ng kanilang kalusugan at sa malinis na kapaligiran.