Sinusuportahan ng Philippine National Police (PNP) ang House Bill 6686 na naglalayong i-restructure ang 42-libong barangay sa buong bansa upang limitahan ang populasyon sa 15-libo Lang kada barangay para sa mas epektibong pamamahala.
Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac lalot inaasahan raw nilang magiging pabor ito sa public safety at law enforcement.
Ayon kay Banac, sa pamamagitan ng pag-limita sa populasyon sa 15-libo ay mabibigyan ng kapangyarihan ang pinaka-maliit na government unit na epektibong maipatupad ang mga ipinasang ordinansa.
Tumutugma rin aniya ito sa mga modernong “Policing Systems” gamit ang teknolohiya, kung saan kinukunsidera ang geographical information, demographics, at crime data sa pag-deploy ng pwersa ng PNP.
Dagdag ni General Banac, ang hakbang ay makakatulong din sa pangmatagalang plano ng pamahalaan na i-decongest ang mga syudad sa pamamagitan ng pag-promote ng development at mga bagong oportunidad sa mga kanayunan.
Sa kasalukuyan ay may mga baranggay sa mga urban centers na aabot sa 200-libo ang populasyon, na masyadong malaki para epektibong ma pagsilbihan ng baranggay government sa panahon ng sakuna tulad ng kasalukuyang krisis sa COVID-19.