Binigyang-diin ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na hindi totoo na isang beses pa lang nila iniimbitahan si Vice President Sara Duterte para dumalo sa padinig.
Ayon kay Chua dumalo si VP Sara sa una at ikalawang pagdinig pero hindi na ito sumipot sa ikatlo, ikaapat at ikalimang pagdinig at tanging liham lang pinadala.
Nagsilbi uli ng imbitasyon ang komite na tinanggap ni VP Sara para sa pagpapaptuloy ng pagdinig nito sa Nov. 21, pero hindi naman daw ito dadalo.
Sa kabila nito ay tiniyak ni Chua na patuloy nilang ibibigay ang respetong nararapat para sa ikalawang pangulo at bahala din si VP Sara kung ddadao ito o hindi ng pagdinig.
Kaugnay nito ay umaasa rin sila na susuklian ng ikalawang pangulo ang respetong dahil ang tanggapan ng ikalawang pangulo ay co-equal constitutional branch of government ng Kamara.