Nagpasya ang House Committee on Good Government and Accountability na kanselahin ang pangwalong pagdinig bukas, November 29 ukol sa confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa chairman ng komite na si Manila 3rd District Rep. Joel Chua, layunin ng kanilang desisyon na masigurado na matutugunan ni VP Sara ang subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sabi ni Chua, nabatid kasi nila na ginagawang rason ni VP Sara ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee para hindi makaharap sa NBI bukas.
Giit ni Chua, importante ang imbestigasyon ng NBI ukol sa banta ni VP Sara sa pangulo, First Lady Liza at House Speaker Martin Romualdez dahil nalalagay nito sa alanganin ang bansang seguridad.