House Committee of Ways and Means, pabor sa pag-angkat ng ukay-ukay basta umaayon sa pamantayan ng DOH

Plano ng House Committee on Ways and Means na magsulong ng panukalang batas na magpapawalang bisa sa Republic Act No. 4653 o batas na nagbabawal sa importasyon ng ukay-ukay o mga ginamit ng damit.

Sa pagtaya ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda na siyang chairman ng committee, aabot sa ₱18 billion ang industriya ng ukay-ukay na makapagbigay ng trabaho at makakatulong sa mahihirap na sektor sa bansa.

Ayon kay Salceda, malaking negosyo ito dahil ang mga maayos at maaring isuot muli na ukay-ukay ay pwedeng itinda sa mga supermarkets o fashion stores at i-export habang ang mga hindi na ubrang gamitin pa ay maaring gawing basahan at ibenta.


Sabi ni Salceda, nasa 28 billion US dollars ang halaga ng merkado para sa ukay-ukay.

ikinatwiran pa ni Salceda, na sa kabila ng batas na nagbabawal sa ukay-ukay ay nagpapatuloy naman ang pagbebenta nito kaya mainam na gawin itong legal.

Diin ni Salceda, maaring magtakda ng pamantayan ang Department of Health (DOH) para matiyak na hindi makakasama sa kalusugan ang mga ukay-ukay na aangkatin at papasok sa bansa.

Facebook Comments