House Committee on Appropriations, bukas na pag-aralan ang mungkahi na huwag ilathala ang annual audit report

Bukas ang House Committee on Appropriations na pag-aralan ang mungkahi ni Honorable Ombudsman Samuel Martires na alisin sa General Appropriations Act ang taunang paglalathala ng Annual Audit Report.

Nauunawaan ng Chairman ng komite na si AKO Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang katwiran na ang paglalabas sa report ng Commission on Audit (COA) ay nagdudulot ng premature judgments o agarang paghusga at kalituhan ng publiko.

Sang-ayon din si Representative Co, na kailangang bigyan ng konsiderasyon ang epekto sa reputasyon ng mga opisyal ng gobyerno ng pagsasapubliko sa Annual Audit Report.


Bunsod nito ay tiniyak ni Co na kanilang tatalakaying mabuti ang mungkahi ni Ombudsman Martires para kanilang matiyak ang nararapat na aksyon na umaayon sa pagsusulong ng transparency at pananagutan sa pamahalaan.

Facebook Comments