House Committee on Appropriations, tinapyasan ang proposed 2025 budget ng OVP

Nagdesisyon ang House Committee on Appropriations na irekomendang tapyasan ang 2.037 billion pesos na panukalang pondo para sa Office of the Vice President o OVP sa susunod na taon.

Ayon kay Committee Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo, lahat ng miyembro ng komite ay nagkaisa na ibaba sa P733.198 million ang pondo ng OVP kung saan P1.293 billion ang tinapyas na halaga na nakalaan sa social services.

Ang salaping binawas ay ililipat sa mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).


Ito ay ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng DSWD at Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program o MAIPP ng DOH.

Nilinaw naman ni Quimbo na hindi pa ito pinal na inaprubahan ng House of Representatives kung hindi rekomendasyon ng komite sa plenaryo kung sana pagdedebatehan pa ang proposed 2025 national budget.

Facebook Comments