Manila, Philippines – Nakatakdang isagawa ng House Committee on Constitutional Amendments ang pagdinig tungkol sa Proposed Federal Constitution sa Miyerkules, August 1.
Ayon kay Committee Chairperson, Southern Leyte Representative Roger Mercado, pangungunahan niya nag diskusyon tungkol sa draft charter na isinumite sa kanila ng consultative committee (con-com).
Ipinunto ni Mercado ang mandato ng kanyang komite na pag-aralan ang mga rekomendasyong ginawa ng con-com.
Naniniwala si Mercado na maisusulong ang federal charter lalo at bahagi ito ng legislative agenda ng Duterte Administration.
Facebook Comments