Wednesday, January 28, 2026

House Committee on Ethics, bibigyan ng pagkakataon si Rep. Barzaga na mailahad ang kanyang panig kaugnay sa mga kinakaharap na ethics complaint

Tiniyak ng House Committee on Ethics and Privileges na mabibigyan si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ng pagkakataon na mailahad ang kanyang panig kaugnay sa mga kinakaharap na mga ethics complaint.

Ayon kay 4Ps Party-list Rep. JC Abalos na siyang chairman ng komite, padadalhan na nila si Barzaga ng imbitasyon para humarap sa pagdinig na plano nilang gawin sa susunod na linggo.

Pahayag ito ni Abalos makaraang isulong ng ilang kongresista na palawigin pa ang parusa kay Barzaga na ngayon ay suspendido ng 60 araw.

Pinayuhan naman ni Abalos ang mga naghain ng reklamo na isumite na nila sa komite kung may dagdag silang ebidensya o annexes kaugnay sa kanilang reklamo para ito ay kasamang matugunan ni Barzaga.

Facebook Comments