
Handa ang House Committee on Ethics ang Privileges na aksyunan ang anomang ihahaing reklamo laban sa mga kongresista na sangkot sa maanumalyang flood control projects.
Tugon ito ni Committee Chairman at 4Ps Party-list Rep. JC Abalos sa mga umaalma sa pagsuspinde ng Kamara kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa halip na unahing disiplinahin ang mga kongresistang sangkot sa katiwalian.
Kaisa si Abalos sa mga naninindigan na dapat managot ang mga tiwaling mambabatas dahil mas mabigat na kasalanan ang korapsyon kumpara sa hindi magandang asal ni Barzaga.
Pero diin ni Abalos, may prosesong sinusunod ang komite kaya hinihikayat nya ang mga kasamahang mambabatas na maghain ng reklamo laban sa mga dawit sa flood control issue at ito ay agad nilang aaksyunan.









