House Committee on Health, humihingi na ng tulong sa mga media networks para ipabatid sa mga magulang ang kahalagahan ng vaccination program

Humihingi na ng tulong sa media si House Committee on Health Vice Chairman Alexie Tutor para matulungan ang gobyerno na maibalik ang tiwala sa vaccination program ng Department of Health.

Nanawagan si Tutor sa mga media networks ng tulong matapos maitala ang patuloy na pagtaas sa dengue cases at ang posibilidad pa ng pagbabalik ng polio virus at iba pang sakit sa bansa.

Hiniling ng kongresista na magkaroon ng trending na anti-polio at pro-vaccination ads sa radio, tv at print media upang makalikha ng awareness ang publiko sa kahalagahan ng pagpapabakuna.


Maging sa mga producers ng teleserye at noontime shows ay nakiusap ang mambabatas na isama sa kanilang mga programa ang ilang minutong pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa pagiging ligtas ng bakuna.

Inirekomenda din nito sa Radio TV Malacanang ang paggawa ng radio at TV ad na paulit-ulit na i-bo-broadcast at may apela mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga magulang na hikayatin na pabakunahan ang mga anak.

Facebook Comments