House Committee on Human Rights, nilinaw na walang pakialam ang ICC sa imbestigasyon sa EJK sa war on drugs ng Duterte administration

Nilinaw rin ni Manila Representative Bienvenido Abante Jr. ang chairman ng House on Human Rights na walang kinalaman ang International Criminal Court (ICC) sa isinasagawang pagdinig sa mga kaso ng extrajudicial killings sa war on drugs noon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw ni Abante na ang mga testimonya o paglalahad ng pamilya ng mga biktima ng EJK ay isang public documents.

Maari aniyang makakuha ang sinumang interesado na makakuha ng tala ng isinagawang pagdinig.


Dagdag niya, kahit ang ICC ay posibleng makakuha ng kopya ng minutes ng proceedings kung ito ay gagawa ng pormal na request.

Aniya, ang ilalabas na committee report ay ipasasakamay rin sa mga ibang investigating body, gaya ng Ombudsman para sa kaukulang disposisyon.

Hinikayat din ni Abante ang iba pang pamilya ng EJK na lumantad upang magkaroon ng class suit laban sa mga sangkot sa madugong war on drugs.

Facebook Comments