
Idineklara ngayon ng House Committee on Justice na pinamunuan ni Batangas Rep. Gerville Luistro na parehong sufficient in form ang dalawang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdidand Bongbong Marcos Jr.
Ang unang reklamo ay inihain ni Atty. Andre de Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jernie Jett Nisay habang ang ikalawang reklamo naman ay inihain ng Makabayan Coalition at inendorso ng mga kongresista ng Makabayan Bloc na kinabibilangan nina Rep. Antonio Tinio, Sara Elago at Renee Co.
46 na miyembro ng komite ang bomoto na sufficient in form ang unang reklamo, isa ang komontra at isa ang nag-abstain habang 35 na mga kongresista naman ang bomoto na pabor na sufficient in form ang ikalawang reklamo, 9 ang komontra at isa ang nag-abstain.
Samantala, sa hearing ay nag-walk out naman si Manila 6th District Rep. Benny Abante matapos madismaya na idineklarang sufficient in form ang ikalawang reklamong impeachment laban sa pangulo dahil duda siya na tax payers ang mga complainant nito.










