Monday, April 6, 2026

House Committee on Justice, inatasan ang Office of the Sergeant-at-Arms na paigtingin ang pangangalaga sa seguridad ni Ramil Madriaga

Inatasan ng House Committee on Justice ang Office of the Sergeant-at-Arms na pa-igtingin ang mga hakbang na titiyak sa seguridad o kaligtasan ni Ramil Madriaga na kasalukuyang naka-detain sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Nakasaad ito sa liham ng komite kay House Sergeant-at-Arms Ret. Brig. Gen. Ferdinand Melchor Dela Cruz bilang tugon sa inihaing Petition for Protective Custody ni Akbayan Rep. Chel Diokno.

Sa liham ay binigyang diin ng komite na mahalagang testigo si Madriaga sa impeachment impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Bahagi ng atas ng komite ang dagdag na security detail kay Madriaga ng National Bureau of Investigation (NBI).

Pinapatiyak din ng Komite na magiging ligtas ang pagbiyahe ni Madriaga patungo sa Batasan Pambansa at habang ito ay nagbibigay ng testimonya sa impeachment hearing na layuning madetermina kung may probable cause ang mga reklamong impeachment laban kay VP Sara.

Facebook Comments