Monday, March 2, 2026

House Committee on Justice, isinantabi at hindi na isasama sa deliberasyon ang unang impeachment complaint na inihain ng Makabayan laban kay VP Duterte

Isinantabi ng House Committee on Justice ang unang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa paglabag nito sa one year prohibition period.

22 miyembro ng komite ang pumabor dito at 10 ang komontra.

Ang unang reklamo ay inihain ng Makabayan at inendorso nina Reps. Antonio Tinio, Sarah Elago at Renee Co.

February 2, 2026 inihain ng Makabayan ang unang reklamo laban kay VP Sara na ayon sa kanila ay alinsunod sa naging desisyon ng Supreme Court.

Pero ilang miyembro ng komite ang naniniwala na February 6, 2026 mag-lapse ang one year bar rule.

Sa ngayon ay dalawang impeachment complaint na lang ang tatalakayin ng House Committee on Justice makaraang bawiin na rin ng mga complainants sa pangunguna ng Tindig Pilipinas ang inihain nitong ikalawang impeachment complaint.

Facebook Comments