House Committee on Overseas Workers Affairs, nakatutok at handang tumulong kaugnay sa repatriation ng mga Pinoy sa Sudan

Nakatutok ng husto ang House Committee on Overseas Workers Affairs na pinamumunuan ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo sa repatriation efforts ng gobyerno sa mga Pilipino na nasa Sudan.

Hinggil dito ay tiniyak ni Salo na handang tumulong ang kanyang komite para sa paglilikas ng mga Pilipino sa Sudan upang masiguro ang kaligtasan nila at ang kapakanan ng kanilang pamilya.

Sa pagdalo sa briefing ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay nagpahayag ng pagkabahala si Salo sa mga kababayan nating naiipit ngayon sa civil war sa Sudan.


Kaya giit ni Salo, dapat maging pangunahing prayoridad ng gobyerno ang kaligtasan at mabilis na pagpapa-uwi sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa naturang bansa.

Kaugnay nito ay pinuri naman ni Salo ang mahusay na pag-aasikaso ni Philippine Ambassador to Egypt Ezedin Tago sa paglilikas sa mga Pilipino na nagtungo sa border ng Egypt.

Facebook Comments