House Concurrent Resolutions para sa amnesty proclamations ni PBBM, aprubado na sa House Committee Level

Inaprubahan na ng House Committee on Justice at Committee on National Defense and Security ang House Concurrent Resolutions number 19, 20, 21 at 22 na sumasang-ayon sa amnesty proclamations ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Nakapaloob sa apat na resolusyon ang amnesty na ipinakaloob ni Pang. Marcos Jr. kwalipinadong miyembro ng sa iba’t ibang grupo kabilang ang:

– Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas – Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade o RPMP-RPA-ABB


– Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF

– Moro Islamic Liberation Front o MILF

– Moro National Liberation Front o MNLF

Nagpasalamat naman si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr., sa pagsuporta ng dalawang komite sa paggawad ni PBBM ng amnesty sa mga rebeldeng grupo.

Facebook Comments