House deputy leaders at pinuno ng mga sensitibong komite, dapat palitan din —kongresista

Iginiit ni Navotas Representative Toby Tiangco na palitan din ang mga House Deputy Leaders pati ang mga namumuno sa mga malalaki o sensitibong mga komite sa Kamara.

Mungkahi ito ni Tiangco, makaraang ihalal si Isabela 6th District Representative Faustino “Bodjie” Dy bilang bagong House Speaker.

Ayon kay Tiangco, mas mainam kung papalitan ang lahat ng chairman ng mga komite sa Kamara pero sa ngayon ay hindi ito kakayanin dahil masyadong magiging magulo.

Agad naman nilinaw ni Tiangco na hindi siya intresadong maging chairman ng House Appropriations Committee.

Facebook Comments