House Deputy Speaker Rep. Rufus Rodriguez, iginiit na dapat iprayoridad sa vaccination rollout ang mga lugar na mataas ang COVID-19 cases

Nilinaw ni House Deputy Speaker at Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na hindi niya sinabihan na sinungaling si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni Roque na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Rodriguez na nakatuon lamang sa Metro Manila ang mga COVID-19 vaccines na ibinibigay ng pamahalaan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Rodriguez na hindi na kasi ang populasyon ng isang lugar ang batayan kung dapat bibigyan ng bakuna kundi sa surge ng mga COVID-19 cases.


Matatandaang sa pagdinig ng House Committee on Mindanao Affairs ay nagalit si Rodriguez dahil sa umano’y mabagal na vaccination rollout sa Mindanao.

Facebook Comments