House Deputy Speaker Rodante Marcoleta, nagpasalamat sa PDP-laban matapos makasali sa senatorial lineup ng partido

Nagpasalamat si House Deputy Speaker at SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta sa PDP-Laban sa pagkakasama niya sa listahan ng senatoriables ng partido.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Marcoleta na posibleng nakita sa kaniya ng PDP ang mga plataporma para sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat Pilipino.

Inihalimbawa rito ng mambabatas ang nais niya na mapababa ang presyo ng singil sa kuryente at tubig na hindi napagtutuunan ng pansin ng mga nasa kinauukulan.


Samantala, pagdating naman sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN, muling nanindigan si Marcoleta na ginawa lamang umano niya ang tama lalo na’t tila ipinagtatanggol aniya ng Senado ang broadcast network.

Si Marcoleta ang isa sa napili ng PDP-Laban para sa senatorial slate sa ilalim ng tandem nina Senador Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 elections.

Facebook Comments