House Infrastructure Committee, tiniyak ang kooperasyon kay bagong Ombudsman Remulla

Tiniyak ng House Infrastructure Committee ang lubos na pakikipagtulungan kay bagong Ombudsman Jesus Crispin Remulla katulad ng kooperasyon nito sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ayon kay House Infrastructure Committee Co-Chairperson at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, ang pagtalaga kay Remulla bilang Ombudsman ay magpapalakas sa mekanismo ng pananagutan sa bansa lalo sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sabi ni Ridon, handa ang House Infra Committee na ibigay kay Remulla ang transcript ng kanilang mga ginawang pagdinig gayundin ang mga dokumento at iba pang ebidensya na kanilang nalikom.

Ayon kay Ridon, may kapangyarihan si Ombudsman Remulla para magkasa ng administrative at criminal proceedings laban sa mga indibidwal na nagkasala ng plunder o pandarambong sa pera ng taumbayan.

Pangunahin dito ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mga mambabatas, mga kontraktor at iba pang opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments