Manila, Philippines – Umarangkada na ang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa pag-atake sa Resorts World Manila na ikinasawi ng 38 katao, kabilang na ang gunman.
Nagsanib ang House Committee on Public Order and Safety, Committee on Game and Amusement at Committee on Tourism sa pagdinig upang madetermina kung ano ang tunay na nangyari sa pag-atake.
Sa pagdinig, iprinisenta ng PNP video at pagkasunod-sunod ng pag-atake ng gunman na si Jessie Carlos.
Dito, kinuwestyon ni Rep. Rodolfo Fariñas ang seguridad na ipinatupad ang Resorts World Manila matapos na tumakbo ang naka-duty na security guard, imbes na pigilan ang attacker.
Kasabay nito, kinumpirma naman ni Police C/Insp. Joey Goforth, head ng Special Investigation Task Group (SITG) na ang nasunog na bangkay ay sa gunman na si Carlos, batay na rin sa resulta ng DNA test na isinagawa sa mga magulang ng suspek.
Batay sa datus ng hotel, aabot sa 12,100 ang kanilang guests at empleyado ang nasa loob ng rwm ng mangyari ang pag-atake.
DZXL558