Monday, March 2, 2026

House Justice Committee, iginiit na isang constitutional process ang impeachment process at hindi isang social media contest na kailangan ng maraming “like”

Nagpapatuloy ang deliberasyon ng House Committee on Justicen para idetermina kung sufficient in form and substance ang tatlong impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Batangas Rep. Gerville Luistro na siyang chairperson ng komite, ang pagtalakay sa reklamo laban kay VP Duterte ay bahagi ng kanilang mandato na nakapaloob sa Konstitusyon na hindi nila pwedeng iwasan o talikuran.

Diin ni Luistro ang impeachment ay isang constitutional process at hindi isang social media contest na pagpapasyahan ng hashtag, hahatulan sa pamamagitan ng mga meme at dapat ding may maraming “like.”

Nilinaw rin ni Luistro na bagama’t, ang karamihan sa mga alegasyon laban kay VP Duterte ay laman din ng dating impeachment case, ay tanging ang aspetong teknikal lang nito ang saklaw ng desisyon ng Supreme Court.

Ayon kay Luistro, ang ruling ng Kataas-taasang hukuman ay hindi sumasaklaw sa merito at mga ebidensya ng mga alegasyon laban kay VP Sara at wala din itong inabswelto.

Facebook Comments