House leaders, nagsagawa ng inspeksyon sa mga POGO hub sa tarlac at Pampanga

Nagsagawa ng ocular inspection ngayong araw sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Pampanga at Tarlac ang mga lider ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Kasama rin sa inspeksyon ang mga opisyal at kinatawan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission sa pangunguna ni Undersecretary Gilbert Cruz.

Kabilang sa mga POGO firm na kanilang pinuntahan ay ang:
Zun Yuan Ti sa Bamban, Tarlac at Rizalyn Mansion Brgy. Senora sa Porac, Pampanga at ang Warehouse 1 ng Empire 999 Realty Corp sa Mexico, Pampanga.


Pinuntahan din nila ang Lucky South 99 sa Barangay Sta. Cruz sa Porac, Pampanga kung saan nakakumpiska din ng mga kagamitang ginagamit sa pag-torture tulad ng baseball bat at mga pamalo, mga Chinese military uniforms, mga SIM cards na nagamit na at iba-iba pang mga materyales.

Ang nabanggit na hakbang ay kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara ukol sa mga iligal na aktibidad at krimen na iniuugnay sa mga POGO.

Nangunguna sa naturang imbestigayon ang Committee on Public Order and Safety at Committee on Games and Amusement.

Facebook Comments