House leadership, nagbigay pasasalamat sa buong delegasyon ng bansa sa katatapos na 2020 Tokyo Summer Olympics

Nagpaabot ng pasasalamat at karangalan ang liderato ng Kamara sa buong delegasyon ng Pilipinas sa katatapos lamang na 2020 Tokyo Summer Olympics.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, walang duda na ang Philippine team ngayon sa Olympics ang siyang pinakamatagumpay mula nang sumali ang bansa noong 1924.

Sunud-sunod na medalya ang naiuwi ng bansa kabilang na ang kauna-unahang gintong medalya na nakamit ni Hidilyn Diaz, dalawang silver medals mula kay Nesthy Petecio at Carlo Paalam at isang bronze medal kay Eumir Marcial.


Maituturing din na best Olympic performance ang ipinamalas na galing ng bansa kumpara sa 1932 Los Angeles Games at naitanghal din ang Pilipinas kapalit ng Thailand bilang Southeast Asia’s best performing country sa Tokyo Olympics.

Para kay Velasco, ito ay simula pa lamang ng sunud-sunod na tagumpay ng bansa dahil mas marami pang maibubuga ang mga matatapang at inspiring national athletes ng bansa.

Facebook Comments