Makakatanggap ng bigating reward ang Filipina Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Sa ilalim ng batas, si Diaz ay makakatanggap ng 10 million mula sa pamahalaan matapos manguna sa 55 kilogram category sa Tokyo Olympics.
Bukod dito, makakatanggap pa siya ng tig-10 milyong piso mula sa business tycoons na sina Manny V. Pangilinan ng PLDT at Ramon S. Ang ng San Miguel.
Mayroon ding P3 million ang Pinay athlete mula kay Deputy Speaker Mikey Romero, at isang milyong piso mula sa governor’s league.
Sa kabuoan, aabot sa 34 milyong piso ang matatanggap ni Diaz.
Bukod dito, magkakaroon din ng bahay at lupa ang Pinay weightlifter sa tulong ni Philippine Olympic President Abraham Tolentino.
Facebook Comments