House Majority Leader Rodolfo Fariñas – napikon sa hindi pagsipot ng opisyal ng Resorts World Manila; David Chua, binantaang ipaaaresto

Manila, Philippines – Napikon si House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa hindi pagdalo ng isang opisyal ng Resorts World Manila sa pagdinig ng Kamara.

Banta ni Fariñas, kung hindi sisipot sa i-isyung subpoena ay hindi siya magdadalawang isip na magpalabas ng warrant of arrest laban sa Chairman of the Board Ng Traveler’s Hotel Group, Inc. na si David Chua Ming Huat.

Sa pagdinig kaugnay sa Resorts World incident, sinermunan ni Fariñas ang mga taga-Resorts World dahil sa hindi pagdalo ni David Chua na kasalukuyang nasa Hong Kong.


Nasermunan din ng mambabatas ang hepe ng Bureau of fire Protection makaraang hindi rin ito sumipot sa nakaraang pagdinig.

Paliwanag naman ni BFP Chief Bobby Baruelo nasa Davao City siya nang matanggap ang imbitasyon ng Kamara para inspeksyunin ang kanilang training center roon.

Lalo naman itong ikinairita ni Fariñas dahil sa mas mahalaga naman aniya ang pagdinig ng Kamara lalo’t 37 inosenteng indibidwal ang nasawi sa insidente.
DZXL558

Facebook Comments