Bago matapos ang taon ay target ng House Murang Pagkain Supercommittee na makapagsumite kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng preliminary policy recommendations na makatutulong na maibaba ang presyo ng pagkain sa bansa.
Ayon kay Albay Representative Joey Salceda na siyang lead chairman ng Murang Pagkain Supercommittee, puspusan ngayon ang kanilang hakbang para matukoy ang rason ng mataas na presyo ng pagkain, lalo na ang bigas.
Bunsod nito ay binanggit ni Salceda na sa susunod na pagdinig ay ipatatawag nila ang mga pangunahing rice importers sa bansa.
Sabi ni Salceda, ito ay para mabatid sa kanilang hanay kung bakit mataas pa rin ang presyo ng bigas gayong nasa 36 pesos pero kilo lang ang landed price ng imported na bigas, habang 35-36 pesos kada kilo naman ang farmgate price nito.
Paliwanag pa ni Salceda, nasa 11% ang ibinaba ng presyo sa world market at kung susuriin ang share ng imports sa total supply ng Pilipinas ay dapat makaapekto ito sa market price ng one-third.