Iginiit ni House of Representatives (HOR) Secretary General Mark Mendoza na walang COVID-19 outbreak sa Kamara sa kabila ng pagpositibo ng 98 na indibidwal sa COVID-19.
Ayon kay Mendoza, limang porsyento lamang ng kabuuang bilang ng na-test sa kanilang hanay ang nagpositibo sa sakit.
Nabatid na nasa 2,000 katao ang sumailalim sa mass testing kabilang ang mga miyembro at empleyado ng Kamara noong Nobyemre 10.
Habang karamihan din aniya sa mga bagong kaso ay dahil sa ‘community transmission’ o galing sa labas ang virus at hindi mismo sa loob ng HOR.
Nakatakda naman ang muling pagsasagawa ng mass testing sa susunod na taon bago magpatuloy ang sesyon pagtapos ng Christmas break.
Sa ngayon, tiniyak ng HOR na mas hihigpitan na ang pagpapatupad ng health protocols kontra COVID-19.