House of Representatives Electoral Tribunal, tuluyan nang isinara

Inanunsyo ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang pagsasara ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

Ayon kay Salo, Head ng House contingent, ipinaaabot nila sa publiko partikular sa mga may nakabinbin na kaso na isinailalim na sa “physical closure” ang HRET na matatagpuan sa Commission on Audit (COA) Compound sa Quezon City.

Ito ay kasunod na rin ng resulta ng isinagawang inspeksyon ng Department of the Building Official ng QC LGU at Annual Building Inspection Division (ABID) sa gusali kung saan idineklara itong “dangerous and ruinous” o mapanganib at maari nang mawasak sa ilalim ng National Building Code.


Kasabay rin ng ginawang pagsasara ng HRET ang naganap na lindol sa Masbate kamakailan kaya agad na ring nag-isyu ng physical closure order si HRET Chairman Justice Marvic Leonen na ipinag-utos agad nitong August 20.

Inaatasan ngayon ang mga empleyado ng HRET na mag work-from-home upang tuluy-tuloy ang usad ng mga kaso.

Nililimita ang pagpunta sa HRET kung may kukunin o ibabalik na dokumento.

Sa ngayon ay humahanap na rin ang Office of the Secretary of the Tribunal ng office space na magsisilbing temporary workplace para sa mga administrative officers.

Facebook Comments